Sa panayam ngayong araw, Biyernes, ika-12 ng Abril 2019, sa Shanghai, ipinahayag ni Liu Fuxue, Pangalawang Puno ng China International Import Expo (CIIE) Bureau, na magiging mas malaki ang saklaw ng ika-2 CIIE sa tatlong aspekto.
Ayon kay Liu, ang naturang tatlong aspekto ay: una, magiging 300 libong metro kuwadrado ang saklaw ng business exhibition area, na mas malaki nang 30 libong metro kuwadrado kumpara sa saklaw sa unang ekspo; ika-2, aanyayahan ang mas maraming bansa at bahay-kalakal na lumahok sa ekspo; at ika-3, aanyayahan ang mas maraming professional buyer, lalung-lalo na ang mga pribadong kompanya at maliit at katamtamang-laking bahay-kalakal, na bumisita sa ekspo.
Ang Ika-2 CIIE ay idaraos mula ika-5 hanggang ika-10 ng darating na Nobyembre ng taong ito sa Shanghai.
Salin: Liu Kai