|
||||||||
|
||
Kaugnay ng gawain ng kalakalang panlabas ng Tsina sa taong 2019, iniharap ng pamahalaang Tsino na dapat matatag na pasulungin ang kalidad nito. Sa isang pulong hinggil sa pag-aangkat at pagluluwas ng buong bansa na idinaos kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, hiniling nito sa mga departamentong komersyal ng buong bansa na ibayo pang galugarin ang multi-merkado, at at pabutihin ang kayarian ng pandaigdigang pamilihan. Samantala, dapat din anitong aktibong palawakin ang pag-aangkat at pabutihin ang estruktura ng pag-aangkat.
Sinabi ni Zhong Shan, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na unang una, dapat patatagin ang kasalukuyang saklaw ng pag-unlad at merkado.
Ani Zhong, sa kabuuan, nananatili pa ring malaki ngunit hindi malakas ang kalakalang panlabas ng Tsina. Sa susunod na yugto, dapat aniyang hikayatin ang pagluluwas ng mga produktong may mataas na teknolohiya, kalidad, at karagdagang halaga upang mapataas ang katayuan ng Tsina sa global value chain. Samantala, dapat ding aktibong palawakin ang pag-aangkat at pabutihin ang estruktura ng pag-aangkat para ibayo pang matugunan ang pangangailangan ng pamilihang panloob, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |