Isiniwalat ngayong araw, Biyernes, ika-12 ng Abril 2019, sa Shanghai, ni Liu Fuxue, Pangalawang Puno ng China International Import Expo (CIIE) Bureau, na lilitaw ang mga bagong eksibit sa ika-2 CIIE.
Ayon kay Liu, kabilang sa mga bagong eksibit ay mga high-end consumer product, mga produkto ng Augmented Reality at Virtual Reality, mga produkto para sa senior citizen service, mga malaking makina at sasakyan, at iba pa. Bubuksan din aniya sa ika-2 CIIE ang mga experience area, para maranasan ng mga bisita ang mga bagong eksibit na gaya ng unmanned vehicle at iba pa.
Isiniwalat din ni Liu, na sa ika-2 CIIE, ilalabas ng maraming kompanya sa kauna-unahang pagkakataon ang kani-kanilang mga bagong teknolohiya at produkto.
Ang Ika-2 CIIE ay idaraos mula ika-5 hanggang ika-10 ng darating na Nobyembre ng taong ito sa Shanghai.
Salin: Liu Kai