Ayon sa impormasyong inilabas Biyernes, Abril 12, 2019, ng Tanggapang Pampunong Ministro ng Malaysia, matapos ang magkasamang pagsisikap ng mga pamahalaan at bahay-kalakal ng Malaysia at Tsina, lumagda na ang mga bahay-kalakal ng dalawang panig sa karagdagang kasunduan, bagay na nakapaglatag ng landas para sa pagpapanumbalik ng konstruksyon ng East Coast Rail Line (ECRL).
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang tradisyonal na magkapitbansa at mahalagang magtuwang, kapwang lubos na pinahahalagahan ng Tsina at Malaysia ang kanilang pagkakaibigan at pagtutulungan. Umaasa aniya ang panig Tsino na mapapanumbalik ng dalawang panig ang nasabing proyekto sa lalong madaling panahon upang mapalawak ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.
Salin: Li Feng