|
||||||||
|
||
Idinaos sa Beijing nitong Linggo, Abril 14, ang Ika-5 Diyalogong Ekonomiko sa Mataas na Antas ng Tsina't Hapon. Nagkasundo ang dalawang bansa na ibayo pang palalakasin ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhayan.
Magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Taro Kono, Ministrong Panlabas ng Hapon ang nasabing diyalogo.
Sa kanyang talumpati, hiniling ni Wang sa dalawang bansa na ipagpatuloy ang mga proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Hinimok din niya ang pagpapatibay ng kooperasyon sa anim na larangan na kinabibilangan ng pagtitipid sa enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, high-end manufacturing, pinansya, sharing economy, at medical care at pag-aalaga sa matatanda.
Sinabi naman ni Kono na bilang mga mahalagang ekonomiya sa daigdig, ang pagpapahigpit ng komunikasyon ay hindi lamang makakabuti sa interes ng dalawang bansa, may mahalagang katuturan din ito sa kasaganaan ng kabuhayan ng rehiyon at daigdig.
Narating din ng mga kalahok na opisyal ang komong palagay hinggil sa mga patakarang makroekonomiko, integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon, at pandaigdig na pangangasiwang pangkabuhayan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |