|
||||||||
|
||
Sapporo, Hapon—Idinaos Biyernes, Mayo 11, 2018 ang China-Japan Governor Forum. Lumahok sa forum sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Kapuwa ipinagdiinan ng dalawang lider ang kahalagahan ng pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungan ng mga pamahalaang lokal para mapasulong ang panlahat na mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Iminungkahi nilang ibayo pang pasiglahin ang kooperasyon ng mga pamahalaang lokal, lalo na sa mga larangan ng pagtugon sa pagtanda ng populasyon, kaunlarang lokal at turismo, para mapalago ang estratehikong ugnayang may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina't Hapon.
Ang Sapporo ang huling hinto ng Premyer Tsino sa kanyang biyahe sa Hapon.
Sina Premyer Li Keqiang at Punong Ministro Abe sa China-Japan Governor Forum (Xinhua/Zhang Ling)
Si Premyer Li Keqiang ng Tsina habang nakikipagtagpo kay Harumi Takahashi, Gobernador ng Hokkaido, sa Sapporo, punong lunsod ng Hokkaido, May 10, 2018. (Xinhua/Zhang Ling)
Si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon habang bumibisita sa ekolohikal na sakahan sa Eniwa, Hokkaido, May 11, 2018. (Xinhua/Li Tao)
Si Premyer Li Keqiang ng Tsina, kasama ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon habang bumibisita sa pabrika ng Toyota, sa Hokkaido, May 11, 2018. (Xinhua/Li Tao)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |