Ipinahayag Martes, Disyembre 18, 2018 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang katotohanan ang pagbatikos ng dokumento ng panig Hapones sa normal na konstruksyong pandepensa at aktibidad-militar ng Tsina. Aniya, nagharap na ng solemnang representasyon ang Tsina sa panig Hapones hinggil sa isyung ito.
Sa araw na ito, sinuri at pinagtibay ng pamahalan ng Hapon ang bagong National Defense Program Outlines at Mid-Term Defense Program, kung saan nakasaad ang matinding pagkabalisa ng Hapon sa tunguhin ng mga suliraning militar at panseguridad ng Tsina.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua na ang dokumento ng Hapon na nagsasabi ng mga haka-haka hinggil sa normal na konstruksyong pandepensa at aktibidad militar ng Tsina ay pawang di-makatotohanang pagbatikos. Ang ganitong kilos ng panig Hapones ay hindi mainam sa pagbuti at pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at hindi rin makakatulong sa pangkalahatang kalagayan ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon, ani Hua.
Salin: Vera