Sinabi ngayong araw, Biyernes, ika-19 ng Abril 2019, sa Beijing ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagdaraos ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation ay naglalayong pasulungin ang kooperasyong may mataas na kalidad sa ilalim ng Belt and Road Initiative.
Sinabi rin ni Wang, na sa pamamagitan ng porum na ito, umaasa ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa, na itatatag ang mas malawak na pagkakatuwang, magkakaloob ng mas malakas na sigla sa kabuhayang pandaigdig, magbubukas ng mas malawak na espasyo para sa pag-unlad ng iba't ibang bansa, at magbibigay ng bagong ambag sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai