Sa pamumuno ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagpulong kahapon, Biyernes, ika-19 ng Abril 2019, sa Beijing, ang Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, hinggil sa gawain ng kabuhayan, isyu ng pagpawi ng karalitaan, at iba pa.
Ayon sa pulong, matatag ang kabuhayan ng Tsina noong unang kuwarter ng taong ito, at mas mabuti ito kaysa inaasahan, pero umiiral pa rin ang mga kahirapan at problema sa takbo ng kabuhayan. Iniharap sa pulong ang mga kahilingan hinggil sa patuloy na pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng manupaktura, pagpapabilis ng pagbabago at pag-a-upgrade ng mga tradisyonal na industriya, at pagpapalakas ng mga bagong-sibol na industriya.
Ayon pa rin sa pulong, mabigat sa taong ito at susunod na taon ang tungkulin ng pagpawi sa karalitaan, at dapat ipagpatuloy ang mahigpit na assessment at evaluation para pasulungin ang mga gawain ng pagpawi sa karalitaan.
Salin: Liu Kai