Idinaos Pebrero 25, 2019 sa Beijing ang Ika-2 pulong ng Komisyon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Pangangasiwa ng Estado sa Batas. Pinanguluhan ang pulong ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Binigyang-diin ni Xi na alinsunod sa karanasang natamo sa 40 taong isinasagawang reporma at pagbubukas sa labas, ang pangangasiwa ng estado sa batas ang batayan sa pagpapasulong ng reporma, pagsasakatuparan ng kaunlaran, at pangangalaga sa katatagan. Aniya, kung mas malalim ang pagsasagawa ng reporma at pagbubukas sa labas, mas mahalaga ang pangangasiwa sa batas. Ipinahayag niya ang pag-asang patuloy na pabubutihin ang pagpapaplano sa konstruksyon ng pangangasiwang pambatas, patataasin ang kalidad at episyensiya ng gawaing lehislatibo, maitatatag ang maharmonyang lipunan, at pahihigpitin ang lehislasyon hinggil sa mga suliraning panlabas para pasulungin ang ibat-ibang gawain ng bansa.
Dumalo sa pagtitipon si Li Keqiang, Li Zhanshu, at Wang Huning, mga Pangalawang Puno ng naturang komisyon.