|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Sabado, Abril 20, 2019 ni Shah Mehmood Qureshi, Ministrong Panlabas ng Pakistan, na nagsagawa ang kanyang pamahalaan ng maraming hakbangin para mapalakas ang pangangasiwa at pagkontrol sa hanggahan sa Iran at pigilan ang pananalakay ng mga terorista.
Sinabi ni Qureshi na ang mga armadong tauhang pumaslang kamakailan sa 14 na sundalong Pakistani sa probinsyang Balochistan ay pumasok mula Iran. May kampo ang nasabing mga armadong tauhan sa Iran.
Nang araw ring iyon, nag-usap sa telepono sina Qureshi at Ministrong Panlabas Javad Zarif ng Iran. Ipinahayag ni Qureshi ang pag-asang maisasagawa ng Iran ang mga hakbangin para mabigyang-dagok ang mga terorista. Sinang-ayunan naman ng panig Iranyo na isagawa ang aksyon sa mga armadong tauhan matapos ang kaukulang imbestigasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |