|
||||||||
|
||
Nitong Linggo, Abril 21 (local time), 2019, ipinahayag ng Pangkalahatang Departamento ng Adwana at Taripa ng Cambodia na nitong limang taong nakalipas, lumaki ng halos 2 ulit ang kabuuang customs revenues ng bansa.
Ayon sa salaysay, noong isang taon, ang mga pangunahing pinagmulan ng taripa ng nasabing departamento ng Cambodia ay kinabibilangan ng sasakyang de motor at makina (katumbas ng 46%), langis at enerhiya (katumbas ng 20%), at materyal na pangkonstruksyon (katumbas ng 34%).
Ayon sa departamentong ito, ang paglaki ng customs revenues ay bunga ng katatagang pampulitika, kaunlarang pangkabuhayan, at mainam na kapaligirang pampamumuhunan ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |