|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Abril 22, 2019, magkasamang dumalo sa completion ceremony ng tulay ng pagkakaibigang Thai-Cambodian sina Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand at Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia.
Sa seremonya, lubos na pinapurihan ng dalawang lider ang proyektong ito. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Prayuth na ang nasabing tulay ay unang transisyonal na tulay sa pagitan ng Thailand at Cambodia. Ito aniya ay nagpapakita ng tradisyonal na relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Pinasalamatan naman ni Hun Sen ang ibinibigay na tulong ng pamahalaan at mga mamamayang Thai sa konstruksyon ng imprastruktura ng Kambodya. Aniya, ang tulay na ito ay hindi lamang nag-uugnay sa mga lupaing Cambodian-Thai, kundi maging sa mga puso ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Bukod dito, ipinagdiinan ng dalawang panig na palalakasin ang kooperasyon sa iba't-ibang aspekto para maging lugar ng mapagkaibigang pag-unlad ang hanggahang Thai-Cambodian.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |