|
||||||||
|
||
Alas-10:26 ng umaga, nitong Huwebes, Enero 3, Beijing/Manila Time, naisagawa ng Chang'e-4 lunar probe ng Tsina ang soft landing sa far side ng buwan. Bunga nito, ang Chang'e-4 ang naging kauna-unahang spacecraft na lumapag sa di-naaabot na bahagi ng buwan, at ang Tsina ay nagsisilbing kauna-unahang bansa sa daigdig na may spacecraft na lumapag kapuwa sa near side, bahagi ng buwang nakikita sa mundo at far side, bahagi ng buwang di nakikita sa mundo. Noong 2013, dumating ng near side ng buwan ang Chang'e-3 lunar probe ng Tsina.
Makaraang mag-soft-land, sa tulong ng relay satellite na Queqiao (Tulay-Magpie), ipinadala ng probe ang kauna-unahang close-up na larawang kuha mula sa far side ng buwan.
Unang imaheng kuha ng Chang'e-4 probe sa far side ng buwan, Enero 3, 2019
Inilunsad ng Tsina ang Chang'e-4 lunar probe na binubuo ng isang lander at isang rover, noong Disyembre 8, 2018, sa pamamagitan ng Long March-3B rocket, sa Xichang Satellite Launch Center, lalawigang Sichuan sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Upang mapasulong ang pakikipagtulungang pandaigdig sa programa ng paggagalugad sa buwan, sa mga misyon ng Chang'e 4, isinagawa ng Tsina ang apat na scientific payload na idinebelop ng mga siyentista mula sa Netherlands, Alemanya, Sweden at Saudi Arabia.
Ang programa ng Chang'e-4 na sinimulan noong Enero ng 2016 ay binubuo ng dalawang pangunahing misyon ng paglulunsad ng relay satellite at lunar probe. Noong Mayo 21, 2018, inilunsad ng Tsina ang relay satellite na tinaguriang Queqiao sa nakatakdang orbita at nananatiling maayos ang kalagayan nito.
Saad ni Konstantin Eduardovich Tsiolkovsky, yumaong siyentistang Ruso na nanguna sa pandaigdig na pananaliksik sa rocket at kalakawan, "Ang planetang mundo ay duyan ng sangkatauhan, pero, hindi tayo puwedeng laging mabuhay sa isang duyan."
Sa aspektong ito, masasabing ang paglapag ng Chang'e-4 sa buwan ay isang pagsisikap ng Tsina para sa paggagalugad at mapayapang paggamit ng sangkatauhan sa kalakawan. Ito rin ay bagong pagsisikap ng Tsina para itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Larawang kinuha ng Chang'e-4 probe habang lumalapag ito sa buwan, Enero 3, 2019
Simulated na proseso ng paglapag ng Chang'e-4 lunar probe sa Beijing Aerospace Control Center (BACC) , Enero 3, 2019
Mga teknisyang nagtatrabaho sa Beijing Aerospace Control Center (BACC) habang lumalapag sa buwan ang Chang'e-4 probe, Enero 3, 2019
Mga teknisyan, habang nagdiriwang sa matagumpay na paglapag sa buwan ng Chang'e-4 lunar probe, Enero 3, 2019
Salin: Jade
Pulido: Rhio
Photo courtesy: China National Space Administration (CNSA)/Xinhua
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |