Ayon sa impormasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pilipinas, 16 na ang naitalang nasawi kaugnay ng magnitude 6.1 lindol na yumanig sa Luzon, Lunes, Abril 22, 2019. Bukod dito, 86 na iba pa ang nasugatan, at 14 na katao ang nawawala. Sumusulong naman ang gawain ng paghahanap at pagliligtas ng pamahalaang lokal.
Dahil sa epekto ng lindol, naputol ang suplay ng koryente sa ilang lunsod, at pansamantalang itinigil ang takbo ng ilang daambakal at Clark International Airport. Sa kasalukuyan, unti-unting napapanumbalik ang suplay ng koryente, at bumabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayang lokal.
Sa linggong ito, sunud-sunod na niyanig ng lindol ang Pilipinas. Lunes ng hapon, naganap ang magnitude 6.1 lindol sa Zambales, at Martes ng hapon, niyanig ng lindol na may lakas na 6.5 magnitude sa Eastern Samar.
Ayon sa impormasyon ng panig opisyal, walang malubhang kapinsalaan ang idinulot ng lindol sa Eastern Samar.
Salin: Vera