|
||||||||
|
||
Kinatagpo nitong Miyerkules, Abril 24, sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina si Aung San Suu Kyi, Tagapayo ng Estado ng Myanmar. Si Suu Kyi ay dumadalaw sa Tsina para lumahok sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na gaganapin mula Abril 25 hanggang Abril 27.
Nakahanda ang dalawang lider na ipagpatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina't Myanmar at walang-humpay na iangat sa bagong antas ang bilateral na relasyon sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag ni Xi ang pasasalamat kay Suu Kyi sa kanyang ikalawang paglahok sa BRF. Hinangaan din ni Xi ang pagbuo ng pamahalaan ng Myanmar ng Namumunong Komite sa Pagpapatupad sa mga Proyektong Pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI). Si Suu Kyi ay nagsisilbing tagapangulo ng nasabing komite.
Ipinahayag naman ni Suu Kyi ang pagkatig ng pamahalaan ng Myanmar sa BRI. Nananalig aniya siyang ang magkasamang pagpapasulong ng BRI ay magdudulot ng benepisyo hindi lamang sa mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi sa rehiyon at daigdig. Ipinahayag din ni Suu Kyi ang kahandaan ng Myanmar na patuloy na pangalagaan, kasama ng Tsina ang kapayapaan sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |