Nagpalabas ng pahayag nitong Miyerkules ng gabi ang Komisyong Pangkapayapaan ng pamahalaan ng Myanmar bilang mainit na pagtanggap sa suporta ng tatlong armadong grupong etniko sa dakong hilaga ng bansa sa prosesong pangkapayapaan ng bansa. Nakahanda anito ang pamahalaan ng Myanmar na makipagtalastasan sa tatlong grupo para marating ang kasunduan ng tigil-putukan.
Kabilang sa nasabing tatlong grupong etniko ay Myanmar National Democratic Alliance Army (MNDAA), Ta'ang National Liberation Army (TNLA) and Arakan Army (AA). Nauna rito, sa Kunming, Yunnan, lalawigang Tsino na kahangga ng Myanmar, nagpalabas sila ng magkasanib na pahayag na nasasaad ang pagkatig sa pagsisikap ng pamahalaan ng Myanmar para sa rekonsilyasyon at kapayapaan ng bansa. Nakahanda rin silang lutasin, kasama ng pamahalaan at panig militar ang alitang militar at pulitikal, sa pamamagitan ng diyalogo. Kusang loob din silang mauunang itigil ang aksyong militar.
Ipinahayag naman ng Pasuguan ng Tsina sa Myanmar ang mainit na pagtanggap sa bagong progreso sa pambansang kapayapaan ng Myanmar. Nakahanda anito ang Tsina na patuloy na kakatigan ang proseso ng rekonsilyasyon ng Myanmar.
Makaraang magsarili ang Myanmar noong 1948, may ilampung armadong grupong etniko sa bansa. Mula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan, sampung armadong grupo ng bansa ang lumagda ng kasunduan ng tigil-putukan sa pamahalaan ng Myanmar. Pero, mayroon pa ring humigit-kumulang 10 armadong grupo na hindi pa lumagda ng kasunduan ng tigil-putukan.
Salin: Jade
Pulido: Mac