Kinatagpo nitong Miyerkules, Abril 24, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Toshihiro Nikai, Espesyal na Sugo ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon. Si Nikai ay dumadalaw sa Tsina para lumahok sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na gaganapin mula Abril 25 hanggang Abril 27.
Kapuwa ipinahayag nina Xi at Nikai ang pagkilala at pagkagalak sa pagbalik sa normal at magandang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones. Iminungkahi ni Xi na patuloy na buong-higpit na susundin ng dalawang bansa ang kanilang apat na dokumentong pulitikal para mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Iniabot naman ni Nikai ang liham ni Abe kay Xi, at ipinahayag ang pagkilala ng panig Hapones sa Belt and Road Initiative (BRI) na nagkakaloob ng mahalagang ambag sa rehiyon at daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio