Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi at Duterte, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-04-25 14:23:12       CRI

Kinatagpo ngayong araw, Abril 25, 2019 sa Great Hall of the People sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.

Si Pangulong Duterte ay kasalukuyang nasa Beijing para dumalo sa Ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).

Sinabi ni Pangulong Xi na nitong tatlong taong nakalipas, naisakatuparan ng relasyong Sino-Pilipino ang tatlong yugtong pag-unlad na kinabibilangan ng pagbalik, pagtatatag at pag-aangat. Ipinakita ani Xi ng katotohanan na ang pananangan ng Tsina't Pilipinas sa mapagkaibigang pagkakapitbansa ay angkop sa agos ng kasaysayan at pananabik ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at ito ang siyang tanging tumpak na pagpili. Diin ni Xi, sa kanyang bawat pakikipag-usap at pakikipagtagpo kay Pangulong Duterte, ipinakita niya ang taos-pusong katapatan at layong pasulungin ang benepisyo ng mga mamamayang Sino-Pilipino. Dagdag pa ni Xi, nakahanda siya kasama ni Pangulong Duterte na patuloy na tiyakin ang tumpak na direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa estratehiko at pangmatagalang pananaw. Iminungkahi rin ni Xi na patuloy na igiit ng dalawang bansa ang panlahat na direksyon ng mapagkaibigang pagkakapitbansa, magkasamang pasulungin ang komong kaunlaran, ipakita ang talino sa maayos na paghawak ng mga pagkakaiba, at sundin ang panlahat na agos ng pag-unlad ng daigdig. Dagdag pa ni Xi, magkaangko ang Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at Build Build Build ng Pilipinas, at mabunga ang pagtutulungan ng dalawang bansa hinggil dito. Hangad ani Xi ng Tsina na palalimin ang pag-uugnay ng mga estratehiya ng dalawang bansa at pasulungin ang mga bagong proyektong pangkooperasyon sa magkakasamang pagpapasulong ng BRI para sa komong kaunlaran ng dalawang bansa at rehiyon. Aniya, kailangang sundin ng dalawang bansa ang mga pangako at patingkarin ang partnership para magkasamang panatilitin ang katatagan ng South China Sea at pasulungin ang kooperasyong pandagat. Inulit din ni Xi ang patuloy na suporta ng Tsina sa panig Pilipino sa larangan ng pagbibigay-dagok sa droga at terorismo.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang kanyang biyahe sa Tsina ay para sa kapayapaan at kaunlaran. Binati niya ang napakalaking tagumpay na natamo ng Tsina nitong nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina. Aniya, ang Tsina at Pilipinas ay pangmatagala't mapagkakatiwalaan kaibigan. Diin ni Duterte, igigiit ng panig Pilipino ang nagsasariling patakarang diplomatiko. Nakahanda aniya siya, kasama ni Pangulong Xi, na isaisang-tabi ang hadlang, patatagin ang mithiin, para sa mula't mula pa'y magsilbing pangunahing tunguhin ng relasyong Pilipino-Sino ang mapagkaibigang kooperasyon.

Dagdag niya, lipos ng kompiyansa ang panig Pilipino sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at nakahanda ang Pilipinas na samantalahin ang pagkakataong dulot ng Belt and Road Cooperation, para maisakatuparan ang target ng pag-unlad ng bansa. Nakahanda rin aniya ang panig Pilipino na maayos na hawakan ang mga isyung pandagat, para hindi nito maapektuhan ang relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, sa kanyang pahayag bago magsimula ang bilateral na pulong ng mga lider ng dalawang bansa, sinabi ni Duterte na ang porum ay nag-aalok ng pagkakataon para sa mas matatag na ugnayang nakabatay sa mutuwal na pagtitiwalaan, paggalang at pagkakaibigan, at dapat patuloy itong lumakas sa darating pang mga taon.

Aniya pa, ang Pilipinas at Tsina ay dapat na magkatuwang na humanap ng bagong mga pagkakataon ng kooperasyon at pagtutulungan. Umaasa siyang magiging mabunga ang mga talakayan hinggil sa mga usaping kapwa pinahahalagahan ng dalawang panig.

Matapos ang makasaysayang pagdalaw ni Xi sa Pilipinas, hangad ni Duterte ang mabilis na pagpapatupad ng mga kasunduan.

Kapag agad na matapos ang mga proyekto, agad ding mararamdaman ng mga tao ang bunga ng mabuting ugnayang Pilipino-Sino, saad ng Pangulo.

Ang pagdalo ng higit 35 mga lider ng mga bansa at organisasyong pandaigdig sa BRF, ani Duterte ay nagpapakita ng tiwala at kumpiyansa sa Belt and Road Initiative ng Tsina.

Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang sumaksi ang dalawang lider sa paglagda ng dokumento ng bilateral na kooperasyon.

Dumalo sa pagtatagpo sina Ding Xuexiang, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng CPC, Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at He Lifeng, Ministro ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina.

Ulat/Salin: Mac/Jade/Vera
Pulido: Rhio
Larawan: PCOO/Xinhua

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>