Binuksan ngayong umaga, Abril 26, sa Beijing ang Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Bumigkas ng keynote speech si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Kalahok sa tatlong araw na porum ang aabot sa 5,000 panauhin mula sa iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig. Kabilang dito ay delegasyong Pilipino na pinangungunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nakatakdang talakayin ng mga kalahok ang hinggil sa pagpapasulong ng konektibidad, paghahanap ng bagong lakas-panulak para sa pag-unlad, pagpapahigpit ng ugnayang pampatakaran, at pagpapasulong ng de-kalidad na Belt and Road Initiative (BRI).
Iniharap ni Xi ang BRI noong 2013. Nitong anim na taong nakalipas, lampas na sa 6 na trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ibang mga kasapi ng BRI. Bukod dito, umabot sa mahigit 80 bilyong dolyares ang halaga ng puhunan ng Tsina at lumikha ng mga 300,000 trabaho para sa mga bansang dayuhan ang mga kooperatibong proyekto.
Salin: Jade
Pulido: Rhio