Iniulat Abril 25 2019 sa Brussels, ng mga pinuno ng Unyong Europeo at Prime Minister ng Hapon, na magsisikap ang dalawang panig na panatilihin ang bukas na pamilihan at patibayin ang multilateral na sistemang pangkalakalan batay sa patakaran at World Trade Organization(WTO).
Idinaos ang Summit ng EU-Hapon Abril 25 at dumalo rito sina Donald Tusk, Pangulo ng Konseho ng Europa; Jean-Claude Juncker, Pangulo ng Komisyon ng EU; at si Shinzo Abe, Prime Minister ng Hapon. Ayon sa inilabas na magkasanib na pahayag, ipinaliwanag ng mga kalahok ang kanilang pananaw sa relasyon ng dalawang panig, hamon at pamamahalang pandaigdig, diplomasya at patakaran sa seguridad.
Iniulat ding sisikapin ng dalawang panig na pabutihin ang patakaran ng WTO upang humarap sa hamong pangkalakalan sa buong mundo. Makikipagtulungan din ang dalawang panig upang mabisang mapatakbo ang lupon sa pag-apela ng WTO.
Salin: Christine