Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, mula Abril 25 hanggang Mayo 1, 2019, isinasagawa ni Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos ang dalaw-pang-estado sa Tsina, at lumalahok sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF). Sa eksklusibong panayam kamakailan ng China Media Group, ipinahayag ni Vandy Bouthasavong, Embahador ng Laos sa Tsina, na ang Belt and Road Initiative (BRI) ay nababatay sa pangmatagalang pananaw, at nakakatugon ito sa pangangailangang pangkaunlaran ng iba't ibang panig.
Si Vandy Bouthasavong, Embahador ng Laos sa Tsina
Saad ng Embahador Lao, sa ilalim ng balangkas ng BRI, walang humpay na lumalalim ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Laos. Aniya, sa proseso ng pagtatatag ng Belt and Road, aktibong kumakatig at sumasali ang Laos. Sa kasalukuyan, puspusang pinapasulong ng panig Tsino't Lao ang konstruksyon ng ekonomikong koridor ng dalawang bansa, at magsisilbi itong tulay para sa kooperasyon at kaunlaran ng Tsina at iba't ibang bansa sa sub-rehiyon na kinabibilangan ng Laos, dagdag ni Bouthasavong.
Salin: Vera