|
||||||||
|
||
Sa Thematic Forum on Infrastructure Connectivity ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation na ginanap sa China National Convention Center nitong Abril 25, 2019, inilahad ni Eliseo Mijares Rio Jr. Acting Secretary of Department of Information and Communications Technology (DICT) ang bunga ng partnership ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng ICT infrastructure development.
Aniya, ikinalulugod ng Pilipinas na maging bahagi ng modernong bersyon ng pandaigdigang pang-ekonomikong ugnayan na tinatawag na Belt and Road Initiative (BRI). Paliwanag ni Kalihim Rio, ang diwa ng Silk Road ang siyang gabay ng mga bansang Asyano habang tumatahak sa landas tungo sa katatagang pangdaigdig. Ang Tsina, na inihalintuad niya sa isang dragon, ngayon ay di na tulog, bagkus ito ay bumubuga ng apoy ng sustenableng kaunlaran.
Wika niya, sa pamamagitan ng malawakang konsultasyon, magkakasamang pagsisikap at pagbabahaginan ng bunga sa pagitan ng mga pandaigdigang panig, ang dragon ay patuloy na lumalakas at handang pumailanlang sa bagong taas.
Saad pa niya sa kanyang prepared speech sa forum na kinikilala ng Pilipinas ang halaga ng BRI lalo na't nahaharap ang lahat sa panahong marami ang pagsubok. Ang Pilipinas ay kasalukuyang nagsasagawa ng mga reporma upang paghandaan ang digital age, kabilang dito ang connectivity infrastructure.
Nagpapasalamat ang Pilipinas, ayon sa Kalihim, sa mga pandaigdigang organisasyon na nagiging katuwang ng Pilipinas sa hangaring ibahagi sa mga mamamayan ng bansa ang mga bentahe ng Information and Communication Technology (ICT). Ang Tsina ay isang malakas at masugid na kapanig ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng konektibidad nito.
Hinggil sa Memorandum of Understanding sa ICT sa pagitan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ng Pilipinas at Ministry of Industry and Information Technology ng China, ito ay may konkretong bunga.
Ibinahagi niyang sa pinalawig na Letter of Intent, pinayagan ang China Telecom na magtayo ng sarili o gamitin ang cable landing stations ng panig Pilipino at bibigyan din ang kompanyang Tsino ng legal na ayuda upang mapadali ang pagkuha nito ng mga permit. Sa pamamagitan nito, mas magiging kompetitibo ang kompanyang Tsino kapag lumahok na ito sa pamilihang Pilipino.
Ang karagdagang kapasidad na alok ng bagong cable stations ayon sa Kalihim ay nagbigay ambag sa pagbubuo ng National Broadband project ng DICT. Aniya, handa rin ang Tsina na ibahagi ang kahusayan at mga karanasan ng China Energy Engineering Corporation. Ngayong taon kinilala ng Pilipinas ang kompanya bilang telecom provider na magtataas ng bilang ng mga towers sa 50,000 mula sa kasalukuyang 19,000. Ito aniya ay patunay sa tagumpay ng BRI. Ang pagtutulungan ng dalawang panig ay magpapabilis sa komong hangarin na pagyamanin ang pamumuhay ng mga mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Lele Wang
Web editor: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |