|
||||||||
|
||
Ipininid sa Beijing nitong Sabado, Abril 27, 2019 ang Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation kung saan narating ng mga kalahok na lider ng iba't-ibang bansa ang malawakang komong palagay tungkol sa magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road." Ipinahayag sa porum ng mga kalahok na lider ng sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang opinyon at palagay sa Belt and Road Cooperation.
Sinabi ni Punong Ministro Mahathir bin Mohamad ng Malaysia na ang magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road" ay hindi lamang nalulutas ang mga problema sa imprastruktura at transportasyon na humahadlang sa pag-unlad ng iba't-ibang bansa, kundi napapasulong pa ang diyalogo at pagpapalitan ng iba't-ibang bansa. Ito aniya ay nakakatulong sa pagpawi sa pinag-ugatan ng mga problemang gaya ng digmaan, ekstrimismo, at terorismo na kinakaharap ng sangkatauhan. Kailangang mas mabuting maunawaan at malaman ng komunidad ng daigdig ang "Belt and Road," dagdag niya.
Ipinahayag din ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas na kasalukuyang isinasagawa ng kanyang bansa ang estratehiyang "Build, Build, Build." Winiwelkam aniya ng Pilipinas ang pagdaragdag ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa Pilipinas. Sinabi rin ni Ambassador Jose Santiago Sta. Romana ng Pilipinas sa Tsina, na ang basehan sa paglahok ng Pilipinas sa BRI ay ang pambansang kapakanan.
Ipinahayag din sa porum ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore ang pag-asang mapapatingkad ng BRI ang konstruktibong papel sa mga aspektong tulad ng serbisyong pinansyal, pamumuhunan ng ikatlong panig, at human resources.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |