Beijing, ika-28 ng Pebrero, 2018--Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na patuloy na pasulungin at palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga bansang tulad ng Malaysia sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Ayon sa ulat, pinapurihan kamakailan ni Najib Tun Razak, Punong Ministro ng nasabing bansa ang "Belt and Road" Initiative. Aniya, tiyak na makikinabang ang Malaysia rito.
Tungkol dito, sinabi ni Lu na ang layunin ng "Belt and Road" Initiative ay isakatuparan ang win-win situation, kaya, tinatanggap ito ng komunidad ng daigdig. Mabunga ang kooperasyon ng Tsina at Malaysia sa "Belt and Road" Initiative, at ito ay nagdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan, dagdag ni Lu.
salin:Lele