|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Linggo, Abril 28, 2019 kay Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Kambodyano. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Cambodia para mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapasulong ang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan, magkasamang maitayo ang "Belt and Road," at mapasulong ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.
Dagdag pa niya, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Cambodia. Kinakatigan ng panig Tsino ang panig Kambodyano sa pagpapataas ng sariling kakayahan ng pag-unlad, aniya.
Ipinahayag naman ni Hun Sen ang pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng panig Tsino ng Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation. Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa Cambodia sa mahabang panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |