Nakipagtagpo ngayong araw, Lunes, ika-29 ng Abril 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.
Sinabi ni Xi, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership sa Kambodya. Dapat aniyang buong husay na ipatupad ang plano ng aksyon para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kambodya. Ipinahayag din niya ang pag-asang palalalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).
Bumati naman si Hun Sen sa pagdaraos ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation at Beijing International Horticultural Exhibition. Sinabi niyang, ang BRI ay modelo ng pandaigdigang kooperasyong pangkaunlaran, at malaking nakikinabang sa BRI ang Kambodya.
Salin: Liu Kai