|
||||||||
|
||
Nilagdaan nitong Abril 28, sa Yangon, ng All China Journalists Association (ACJA) at Myanmar Journalists Association ang China and Myanmar Belt and Road Agreement on Journalist Cooperation and Exchange. Nilagdaan naman noong sumunod na araw, Abril 29, sa Mandalay ng ACJA at Upper Myanmar Journalists Association ang katulad na kasunduan.
Pumirma sa mga kasunduan sina Wang Dongmei, Puno ng All China Journalists Association; Myat Khine, Presidente ng Myanmar Journalists Association; at Htay Aung, Presidente ng Upper Myanmar Journalists Association.
Sina Wang Dongmei (kanan) at Myat Khine (kaliwa)
Sina Wang Dongmei (ika-2 sa kaliwa) at Htay Aung (ika-2 sa kanan)
Ayon sa mga kasunduan, sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI), magsasagawa ang mga media organization ng dalawang bansa ng magkasanib na pag-uulat at magkakasamang lalahok sa mga mga porum. Kasabay nito, magkakasamang idaraos nila ang mga pagsasanay sa mga mamamahayag at susuportahan ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng mga pamantasan ng pamamahayag ng dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |