Pormal na nilagdaan kamakailan sa Beijing ang Plano ng Aksyon ng Pagtatatag ng Komunidad ng Komong Kapalaran ng Tsina at Cambodia. Sa isang panayam nitong Linggo, Mayo 5, 2019 sa Phnom Penh, ipinahayag ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Cambodia, na ang nasabing plano ng aksyon ay nagpapakitang umabot na sa makasaysayang bagong lebel ang komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Cambodia. Ito aniya ay magsisilbing puwersang tagapagpasulong sa relasyong Sino-Kambodyano.
Tinukoy din niya na ang nasabing plano ng aksyon ay pinakamahalagang bunga ng pagdalo ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia sa Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation. Ito ay isang dokumentong makakapagbigay-patnubay sa pag-unlad ng kompehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng