|
||||||||
|
||
Isinapubliko sa Beijing nitong Martes, Mayo 7, 2019 ng Chinese at Foreign Think Tank ang "Belt and Road Trade and Investment Index Report (BRTII Report)." Tinukoy ng ulat na lumampas na ang "Belt and Road" Economy sa lebel ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Hilagang Amerika na naging ikalawang pinakamalaking bahaging ekonomiko ng buong daigdig na sumusunod lamang sa Unyong Europeo (EU). Lumilitaw din ang benepisyong dulot ng nasabing ekonomiya.
Ayon pa sa isang ulat na ipinalabas ng Moody's — bantog na ranking institution sa daigdig, sa pamamagitan ng konstruksyon ng mga malaking proyekto ng imprastruktura, tinutulungan ng "Belt and Road" Initiative (BRI) ang mga bansang nagsasagawa ng proyekto sa pagpapataas ng kanilang kakayahan sa produksyon. Ito ay nakakapagbigay ng malaking ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga bansa, anito pa.
Sa katatapos na Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, pinagtibay ng mga kalahok na lider ang magkakasanib na komunike kung saan buong pagkakaisa nilang hinahangaan ang mga natamong progreso at nailikhang mahalagang pagkakataon ng Belt and Road Cooperation. Ipinasiya nilang magkakasamang pasulungin ang Belt and Road Cooperation sa mas mataas na lebel.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |