|
||||||||
|
||
Mula Abril 25 hanggang 27, 2019, matagumpay na idinaos sa Beijing ang Ikalawang Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation. Sa isang panayam nitong Linggo, Abril 28, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang nasabing pagtitipon ay pinakamahalagang pangyayaring diplomatiko ng Tsina sa taong 2019.
Inilahad ni Wang ang anim na tampok ng natamong bunga sa naturang porum na kinabibilangan ng una, pagtiyak sa hangarin ng magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road;" ikalawa, pagtatatag ng connective partnership sa buong daigdig; ikatlo, pagtatamo ng mabungang resulta; ikaapat, pagtatatag ng bagong plataporma ng pag-uugnayan ng mga lugar at sirkulong industriyal at komersyal; ikalima, pagpapabuti ng balangkas ng kooperasyon ng "Belt and Road;" at ika-anim, pagpapatingkad ng namumunong papel ng diplomasya ng mga lider at pagpapalalim ng bilateral na relasyon.
Kaugnay ng katuturan ng naturang porum, sinabi ni Wang na malaki ang katuturan ng BRF sa tatlong aspekto: una, pagpapasigla ng pangunahing tunguhin ng pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig; ikalawa, pagpapasimula ng bagong yugto ng magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road;" at ikatlo, pagpapasulong ng ibayo pang reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |