Nagkasundo ang Tsina't Hapon na idaraos ang Ika-11 Round ng Talastasan hinggil sa mga Isyung Pandagat ng dalawang bansa sa Otaru, Hapon. Nakatakdang lumahok dito ang mga kinatawan ng magkabilang panig mula sa ministring panlabas, ministring pandepensa, at departamento ng pangangasiwa at pagpapatupad ng batas sa karagatan.
Ito ang ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Martes, Mayo 7.
Nagsimula ang nasabing konsultasyong pandagat ng Tsina't Hapon noong 2012. Ang pinakahuling round ng talastasan ay ginanap sa Wuzhen, Tsina noong Disyembre, 2018.
Salin: Jade
Pulido: Rhio