Binabalak ng New Zealand ang isang ambisyosong proyekto ng pagbubukas ng linyang pantransportasyon sa karagatan at himpapawid mula sa Tsina, daraan sa New Zealand, patungong Latin-Amerika. Sa ilalim ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI), ang nasabing proyekto na magbibigay-daan sa New Zealand upang maging hub na pantransportasyon at pangkalakalan sa pagitan ng Asya at Latin-Amerika, ay magdudulot ng malaking pagkakataon para sa nasabing bansa.
Ang New Zealand ay isa sa mga bansang nanguna sa pagsapi sa BRI na iniharap ng Tsina para sa komong kasaganaan. Bukod dito, ito rin ang unang bansang Kanluranin na lumagda, kasama ng Tsina, sa kasunduan ng malayang kalakalan, at unang bansang Kanluranin na tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), bangkong itinatag sa inisyatiba ng Tsina.
Masasabing matalino at pragmatiko sa kabuuan ang mga patakaran ng New Zealand sa Tsina. Bunga nito, ang Tsina ay nagsisilbi ngayong pinakamalaking trade partner, pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas, at pinakamalaking pinanggagalingan ng pag-aangkat ng New Zealand.
Ang positibong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at New Zealand ay nagdudulot ng win-win na resulta para sa dalawang bansa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio