Martes, Mayo 7, 2019, biglaang dumalaw sa Baghdad, kabisera ng Iraq, si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Hiniling niya sa pamahalaan ng Iraq na harapin ang "banta" ng Iran, para maigarantiya ang interes ng Amerika sa Iraq.
Nang mabanggit ang dahilan ng kanyang pagdalaw sa Iraq, sinabi ni Pompeo na ini-a-upgrade ng tropang Iranyo ang aktibidad nito, at napakalinaw ng banta ng paglulunsad ng pagsalakay.
Pagkatapos ng kanyang pakikipagtagpo kina Pangulong Barham Salih at Punong Ministro Adil Abdul-Mahdi ng Iraq, sinabi sa media ni Pompeo na napag-usapan nila ang kahalagahan ng paggarantiya ng Iraq sa interes ng Amerika. Aniya, nangangako ang nasabing dalawang lider ng Iraq na ang paggarantiya sa interes ng panig Amerikano ay kanilang responsibilidad.
Salin: Vera