Ngayong tanghali, Biyernes, ika-10 ng Mayo 2019, pormal na itinaas ng Amerika mula 10% hanggang sa 25% ang taripa ng mga paninda mula sa Tsina na nagkakahalaga ng 200 bilyong dolyares. Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ng panig Tsino ang lubos na kalungkutan.
Sa inilabas na pahayag, sinabi rin ng panig Tsino, na dahil sa naturang aksyon ng panig Amerikano, sapilitang isasagawa ng panig Tsino ang mga countermeasure.
Dagdag pa ng pahayag, idinaraos ngayon sa Washington D.C. ang ika-11 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan. Dapat anitong buong sikap na tatahak ang Tsina at Amerika tungo sa nagkaka-isang direksyon, para lutasin ang mga umiiral na isyu sa pamamagitan ng kooperasyon at konsultasyon.
Salin: Liu Kai