Sinabi kahapon, Huwebes, ika-11 ng Abril 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na pagkaraan ng ika-9 na round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan, tinalakay na ng mga punong negosyador ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng telepono, ang hinggil sa mga naiwang isyu.
Dagdag ni Gao, sa susunod na yugto, pananatilihin ng mga grupo ng kapwa panig ang mahigpit na pag-uugnayan, sa pamamagitan ng iba't ibang mabisang paraan, at buong lakas na ipagpapatuloy ang talastasan, bilang pagsisikap tungo sa pagpapatupad ng mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai