Binuksan nitong Huwebes, Mayo 9, local Time sa Geneva ang dalawang araw na sesyon ng 31 miyembrong UN System Chief Executives Board for Coordination (CEB) na pinangunguluhan ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations. Sa kanilang inilabas na pahayag, nanawagan ang mga puno ng UN system sa mga miyembro ng UN na magsagawa ng konkretong hakbang para paghandaan ang UN Climate Summit na gaganapin sa darating na Setyembre.
Kabilang sa mga panawagan ay paglilimita sa 1.5°C ng pagtaas ng pandaigdig na temperatura kumpara sa lebel na pre-industriyal, pangangalaga sa mga tao at kalikasan na pinakaapektado ng pagbabago ng klima, pagpapatupad ng mga maunlad na bansa ng pangako nila sa pagkakaloob ng suportang pinansyal sa mga umuunlad na bansa, pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya.
Pagpasok ng taong ito, nanawagan si Guterres sa mga lider ng daigdig na magtitipun-tipon sa New York para sa Climate Action Summit na nakaiskedyul na idaos Setyembre 23, 2019.
Salin: Jade
Pulido: Mac