Idinaos nitong Biyernes, Diyembre 7, sa Katowice, Poland ang sub-conference sa China Pavilion ng United Nations Climate Change Coference. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa mga Suliranin ng Pagbabago ng Klima na sa kasalukuyan, bilang tugon sa pagbabago ng klima, inisyal na tumahak ang bansa sa landas na nagtatampok sa berde, low-carbon at sustenableng pag-unlad. Sa hinaharap, patuloy na palalakasin ng pamahalaang Tsino ang kamalayan ng mga mamamayan at tutugunan ang pagbabago ng klima ng daigdig, dagdag ni Xie.
Binuksan nitong nagdaang Disyembre 2 sa Katowice ang Ika-24 na Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change, na kilala bilang COP24. Layon ng dalawang linggong komperensya na gawing pinal ang mga patnubay sa implementasyon at linawin kung paano magkakapantay-pantay na ipapatupad ang Paris Agreement ng lahat ng mga kasaping bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac