Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga patnubay sa pagpapatupad sa 2015 Paris Agreemt hinggil sa pagbabago ng klima, narating; ambag ng Tsina, mahalaga

(GMT+08:00) 2018-12-17 16:33:31       CRI

Katowice, Poland—Isang package ng mga patnubay sa pagpapatupad sa 2015 Paris Agreement hinggil sa pagbabago ng klima ang napagkasunduan ng mga negosyador mula sa mga 200 bansa.

Ang kasunduang tinaguriang Katowice Climate Package ay narating makaraang palawigin ng 30 oras ang 14 na araw na Ika-24 na Conference of the Parties (COP 24) to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Inilarawan ni Xie Zhenhua, espesyal na kinatawan ng Tsina sa mga suliranin ng pagbabago ng klima, ang nasabing package bilang komprehensibo at balanse. Nagsisilbi aniya itong pundasyong pampatakaran para ipatupad ang Paris Agreement.

Ayon sa mga patnubay, maaaring itakda ng mga may kinalamang bansa ang kani-kanilang pambansang sistema para ipatupad ang Paris Agreement, batay sa Nationally Determined Contributions (NDCs), simula 2020. Samantala, itatakda rin ang sistema sa pandaigdig na lebel.

Mababasa rin sa mga patnubay ang mga suportang pinansyal para sa mga umuunlad na bansa, at kung paano tatasahin ang progreso ng paglilipat ng mga teknolohiya sa mga umuunlad na bansa para matugunan nila ang mga hamong dulot ng pagbabago ng klima.

Napakalaki ng ambag ng misyong Tsino para marating ang mga patnubay. Kaugnay nito, isinalaysay ni Xie na sa kahilingan nina Michal Kurtyka, Presidente ng COP24 at Patricia Espinosa, Ehekutibong Kalihim ng UNFCCC, nakipagkoordinahan at nakipagtalastasan ang delegasyong Tsino sa iba pang mga may kinalamang bansa. Sa pamamagitan ng anim na oras na pagsisikap, nalutas ang pinakamasusing isyu at narating ang kasunduan.

Ipinahayag ni Jennifer Morgan, Ehekutibong Direktor ng Greenpeace International ang konstruktibong papel ng Tsina sa katatapos na kompenrensya. Naitatag ng Tsina ang tulay sa pagitan ng mga maunlad at umuunlad na bansa, diin niya.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>