Idaraos Mayo 15 sa Beijing ang Conference on Dialogue of Asian Civilizations(CDAC). Sa knyang panayam sa CRI, sinabi ni Lee Cheol-gu, Pangulo ng Kapisanan ng Musikang Koreano, na malaki ang impluwensiya ng kulturang Tsino sa musikang Koreano at puwedeng maging mas malaki at malalim ang pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan ng Timog Korea at Tsina sa larangan ng musika.
Noong Disyembre, sa paanyaya ng Kapisanan ng Musika ng Tsina, dumalaw si Lee Cheol-gu at kanyang delegasyon sa mga pamantasang pangmusika ng Tsina. Pinapurihan niya ang dami ng mga talentong pangmusika, makabagong edukasyong pangmusika at ang napakaraming kurso sa Tsina.
Sa pananaw niya, malapit ngayon ang ugnayan ng Tsina at Timog Korea sa tulong ng patakarang kultura na isinusulong ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Samantala, pinapakinabangan nito ang pag-unawa ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa isa't isa kabilang ang politika. Aniya pa, siguradong magiging isang komunidad na nagbabahagi ng parehong kapalaran ang dalawang bansa pagkaranas ng anumang hamon.
Ipinahayag din ni Lee ang parehong pagnanais ng mga Asyanong musikero: Mawawala ang balakid sa pagitan ng dalawang kultura sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, mababawasan ang hidwaan ng kultura sa pamamagitan ng pag-aaral sa isa't isa, magkakasamang iiral ang dalawang kultura sa halip ng diskriminasyon at isusulong ang pag-uunawaan, gagalangan at pagtitiwalaan ng dalawang kultura. Bibigyang kabuluhan ang lahat ng idaraos na CDAC.
Salin: Christine