Phnom Penh—Sinabi nitong Linggo, Mayo 12, ni Thong Khon, Presidente ng National Olympic Committee ng Cambodia, na nangangalahati na ang konstruksyon ng Pambansang Istadyum ng Cambodia na may ayudang Tsino. Ang nasabing istadyum na nakatakdang makompleto sa taong 2020 ay pangunahing pagdarausan ng 2023 Southeast Asian (SEA) Games.
Sinabi ni Thong Khon, na nagsisilbi rin bilang Ministro ng Turismo ng Cambodia, na bilang makasaysayang proyekto, magpapasulong ito ng palakasan ng bansa at kinakikitaan rin ito ng tumitibay na pagkakaibigan ng Tsina't Cambodia.
Ang nabanggit na istadyum ay isa ring proyektong pangkooperasyon ng Tsina't Camdia sa ilalim ng magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI).
Ang limang palapag na istadyum na sumasaklaw sa 16 hetarya ay matatagpuan sa 85 ektaryang Morodok Techo National Sports Complex, 18 kilometro ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Itinatayo ito ng China State Construction Engineering Corporation (CSCEC), at may 1.1 billion yuan (mga 160 milyong dolyares) na ayudang Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Rhio