Napagpasiyahan ng Tsina na simula Hunyo 1, 2019, papatawan ng 25%, 20%, at 10% taripa, ayon sa pagkakasunud-sunod ang 60 bilyong dolyares na takdang panindang inaangkat mula sa Estados Unidos.Samantala, hindi maaapektuhan ang mga panindang Amerikano na may 5% taripa na.
Mababasa ang nasabing desisyon sa pahayag na inilabas nitong Lunes, Mayo 13 ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina.
Ipinatalastas Mayo 9, 2019 ng pamahalaan ng Estados Unidos ang pagtataas ng taripa sa 25% mula sa 10% sa 200 bilyong dolyares na panindang Tsino simula Mayo 10.
Salin: Jade
Pulido: Mac