|
||||||||
|
||
Bunsod ng pinakahuling alitang pangkalakalan ng Tsina't Amerika, bumaba ang mga stock ng New York Stock Exchange sa katapusan ng trading day nitong Lunes, Mayo 13, local time sa New York, Amerika. Kabilang dito, bumaba ng 2.38 porsyento hanggang 25,324.99, at mas mababa ng 2.41 porsyento hanggang 2,811.87, samantalang bumaba ng 3.14 porsyento ang Nasdaq sa 7,647.02.
Napagpasiyahan nitong Lunes, Mayo 13 ng Tsina na simula Hunyo 1, 2019, papatawan ng 25%, 20%, at 10% taripa,ayon sa pagkakasunud-sunod ang 60 bilyong dolyares na takdang panindang inaangkat mula sa Estados Unidos.Samantala, hindi maaapektuhan ang mga panindang Amerikano na may 5% taripa na.
Mababasa ang nasabing desisyon sa pahayag na inilabas ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado, gabinete ng Tsina.
Ipinatalastas Mayo 9, 2019 ng pamahalaan ng Estados Unidos ang pagtataas ng taripa sa 25% mula sa 10% sa 200 bilyong dolyares na panindang Tsino simula Mayo 10.
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |