Napag-alaman Martes, Mayo 14, 2019 ng mamamahayag mula sa China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) na mula ika-21 hanggang ika-22 ng Mayo, idaraos sa Lalawigang Hainan ng Tsina ang unang International Forum on Free Trade Zones Development. Ito ang kauna-unahang porum sa mataas na antas sa larangan ng sona ng malayang kalakalan na idaraos sa loob ng Tsina, sapul nang itatag ng Tsina ang pilot zone ng malayang kalakalan nitong nakalipas na 5 taon. Layon nitong pasulungin ang reporma at inobasyon ng sona ng malayang kalakalan ng Tsina, hanapin ang pagtatatag ng puwerto ng malayang kalakalan na may katangiang Tsino, at pasulungin ang bagong round ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas ng bansa.
Hanggang sa kasalukuyan, 11 kilalang pandaigdig na sona ng malayang kalakalan, 5 kaukulang organisasyong pandaigdig, 17 pasuguan sa Tsina, mga kinatawan ng 11 bahay-kalakal sa hanay ng 500 top enterprises sa daigdig, at mga organong akademiko ang nakapagparehistro para sumali dito.
Salin: Vera