Natapos kamakailan ang ika-11 round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa mataas na antas hinggil sa mga isyung pangkabuhaya't pangkalakalan. Pinalalagay ng mga dalubhasang Tsino na nitong mahigit isang taong nakalipas sapul nang simulan ang pagsasanggunian ng Tsina at Amerika, laging nagtitimpi at nananatiling makatuwiran ang Tsina.
Ipinahayag ni Zhang Yansheng, Senior Researcher ng China National Development and Reform Commission na ipinakikita nitong ang Tsina ay isang responsibleng malaking bansa. Isinasa-alang-alang nito hindi lamang ang apekto ng nasabing isyu sa sarili at Amerika, kundi sa buong daigdig.
Pinalalagay ni Gao Lingyun, Researcher ng Chinese Academy of Social Science na ang paglulunsad ng Amerika ng "digmaan ng taripa" ay nagpapataw ng presyur sa mga tagatingi at mga mamimili sa loob ng Amerika.
Salin:Lele