Ipinahayag nitong Martes, Mayo 14 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang kahandaan ng bansa na makipagtulungan sa lahat ng mga panig kaugnay ng reporma ng World Trade Organization (WTO) para gumanap ang organisasyon ng mas malaking papel sa pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig.
Isang araw nauna rito, pormal na iniharap ng Tsina ang proposal hinggil sa reporma ng WTO. Sa proposal, apat na aspeto ang tinukoy ng Tsina na karapat-dapat na repormahin. Kabilang dito ay paglutas sa masusi at pangkagipitang isyung nagbabanta sa eksistensya ng WTO, pagpapalakas ng kaugnayan ng WTO sa pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig, pagpapasulong ng episyensya ng pamamalakad ng organisasyon, at pagpapalakas ng pagiging inklusibo ng multilateral na mekansimong pangkalakalan.
Salin: Jade
Pulido: Mac