Ipinalabas Abril 2, 2019, ng World Trade Organization (WTO) ang pinakahuling World Trade Outlook Indicator, at ayon dito, patuloy na huhupa ang bilis ng paglaki ng pagdaigdig na kalakalan sa 2019, pero, posibleng maging mas mabilis sa 2020.
Ayon sa outlook, bababa ang bilis ng paglaki ng pandaigdigang kalakalan sa 2.6% sa taong 2019 mula sa 3% noong taong 2018. Dagdag ng ulat, lumaki ng 8% ang kalakalan ng komersyal na serbisyo ng daigdig noong 2018. Ang Tsina ay nagbigay ng ambag dito, dahil umabot sa 12% ang paglaki ng may kinalamang pag-aangkat ng Tsina noong isang taon, ayon pa sa ulat.
salin:Lele