|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Martes, Mayo 14, sa Beijing ang 2019 ASEAN-China Media Cooperation Forum na may temang "Bagong Yugto, Bagong Tunguhin, at Bagong Kooperasyon." Lumahok dito ang mga kinatawan mula sa Tsina at sampung kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nagkakaisa silang ibayo pang pasusulungin ang pagtutulungan para maisakatuparan ang komong kasaganaan.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Guo Weimin, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang pag-asa ng bansa na samantalahin ng mga media organization ang Taon ng Pagpapalitan at Pagtutulungan ng Media ng Tsina't ASEAN, para mapasulong ang pag-uunawaan ng mga mamamayan ng magkabilang panig.
Si Guo Weimin
Sinabi naman ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na sa kasalukuyang masalimuot na situwasyong pandaigdig, napakahalaga ng pag-uunawaan at gumaganap ang mga media ng masusing papel hinggil dito. Dagdag pa niya, aktibo sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI) ang lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN, at responsibilidad ng mga media na ipaalam sa daigdig ang target ng nasabing inisyatiba para sa komong kasaganaan.
Si Amba. Sta. Romana
Salin: Jade
Pulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |