Sa kanyang keynote speech sa Sharing Experience on Asian Governance nitong Miyerkules, Mayo 15, 2019, binigyang-diin ni Huang Kunming, Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat palalimin ang pagpapalitan at pagkatuto sa iba't ibang sibilisasyon, at magkasamang itatag ang community with a shared future ng Asya. Dapat din aniyang palakasin ang pagpapalitan ng iba't ibang bansang Asyano sa larangan ng karanasan sa pamamahala, at patingkarin ang katalinuhan para sa komong kaunlaran ng iba't ibang bansa, at progreso ng sibilisasyong Asyano.
Si Huang Kunming, Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC)
Saad ni Huang, sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC), inilarawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang magandang adhikain ng pagtatatag ng mapayapa, matatag, at bukas na Asya na may komong kasaganaan, at iniharap ang apat na paninindigan sa pagpapasulong sa pagpapalitan at pagkatuto sa sibilisasyon ng Asya. Sinabi ni Huang, na ipinagkaloob ng nasabing talumpati ang katalinuhan para sa pagtatatag ng community with a shared future, at pasisiglahin din nito ang pagpapasulong ng karanasan sa pamamahala ng iba't ibang bansang Asyano, upang maisakatuparan ang kasaganaan at kaunlaran.
Ang Sharing Experience on Asian Governance ay isa sa 6 na sub-session ng CDAC. Kalahok dito ang halos 300 panauhin mula sa 50 bansa't organisasyong pandaigdig.
Salin: Vera