Beijing, Tsina—Ginanap Miyerkules, Mayo 15, 2019 ang Sharing Experience on Asian Governance, isang sub-sesyon ng Conference on Dialogue of Asian Civilizations (CDAC). Ang tema ng nasabing sub-sesyon ay "Pooling the Wisdom of Diverse Civilizations for a Beautiful Asia."
Bumigkas ng keynote speech sa seremonya ng pagbubukas ng sub-sesyon si Huang Kunming, Ministro ng Publicity Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Diin niya, dapat palalimin ang pagpapalitan at pagkatuto sa iba't ibang sibilisasyon, at magkasamang itatag ang community with a shared future ng Asya. Dapat din aniyang palakasin ang pagpapalitan ng iba't ibang bansang Asyano sa larangan ng karanasan sa pamamahala, at patingkarin ang katalinuhan para sa komong kaunlaran ng iba't ibang bansa, at progreso ng sibilisasyong Asyano.
Ipinagdiinan naman ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na upang itatag ang community with a shared future ng Asya, dapat igalang ng mga bansang Asyano ang pagkakaiba-iba ng sibilisasyon sa daigdig, at igalang ang magkakaibang landas ng pag-unlad at sistema ng iba't ibang bansa. Dagdag niya, dapat pasulungin ang pagpapalitan at diyalogo ng magkakaibang sibilisasyon at modelong pangkaunlaran ng Asya, at palakasin ang pagpapalitan sa karanasan sa pamamahala, para likhain ang mas magandang kinabukasan.
Salin: Vera